Thursday, December 27, 2012

trying to conceive

trying to conceive...
its our second month of ttc .. onthe first month it was unsuccessful... :( LMP (last menstrual period) ko last nov is nov2, so i use the fertility calendar, wehave MB (making baby) on the 12th and 15th of the month, mga 3 days after for almost 5 days super sore ng boobs ko.. as in naninigas. when im doing something physically.. like house chores ang sore talaga.. im so irritated, kasi di ako makagalaw.. pero syempre excited din. cause in my entire life ngayon ko lang yun naranasan. in this month pa na were on TTC.. lagi ako gutom , tumatakas pa ko para kumain ng magnum.. (spoiledbrat mode) , after that on the last week of the month expected period ko is Nov 30... nov 27 , i called PDH (paranaquedoctors hospital) to ask them about HCG blood test for pregnancy..  not beta ha! it will be just a simple negative or positve result. the beta is check kung ilang hcg asa blood mo,if high then your pregnant.. might be! so ito na nga it cost 560 pesos something.. wow expensive pala! ilang araw na lang regla ko na! nirefer ako ng kausap ko sa hi-precision kasi kung sa kanila 2 days pa yunng result. araw na yun ng regla ko! so i called the hi-precision sucat branch. pinakamalapit sa min! im from taguig but you can still check yung ibang branch nila.  kasi dun din naman pinapadala ng pdh yung mga for hcg blood test.. kaya aabutin  2 days. that day pumunta din kami ng hi-precision..  it cost us 165 pesos .... woah! mura di ba.. then 4 hours kami ng antay.. my palabas naman na just for laugh sa flat screen nila then kumain kami, then yung result na... it was NEGATIVE!


2nd month dec 2012
we tried again this time.. my last LMP was nov 29 2012, i used again ovulation calendar, you can google it, then i have 28days cycle and 14 days lutheal phase.. my ovulation date was dec 15. we tried it every other day starting dec8. dec10,12,14,16..
as of now i dont care if its a boy or girl. sa case namin nagka mumps din kasi si  hubby last 2009. so sabi nila nababaog n daw ang male na nagka mumps..  our faith didnt stop there. we always have faith kay god .. sabi nga nila "wag mo bantayan ang tubig kumulo di yan kukulo!" hehehee so di na ko ngexpect this month.. bahala na. the whole month Ive been so busy sa kung ano ano...  sa pag xmas shopping, sa aming online bussiness, sa aking new blackberry.. the rest bahala na si god! but syempre si hubby expecting.. pero sinasabihan ko sya na wag nang umasa,,, and the rest of the month ang weird wala ako nararamdaman sa body ko,. except sa DIZZINESS. nahihilo ako bigla.. yun lang! wala ng iba! then the big day come! di na ko ngpa blood test kasi sabi ko sayang naman. wait ko na lang ang araw ng regla ko. dec 27 2012, pagkagising ko pa lang bumili na ko ng PT sa generic pharmacy! potek nahulog sa tubig pagbukas ko pa lang.. pero nilagyan ko p din ng urine. parang natanaw ko 2 lines, hindi ako mapakali! bumili ako ulit ng PT.. 2nd ihi ko na. pinilit ko.as in naiire na ko s pagihi! thanks god may lumabas!!!!!! pwede na! then one line! then after 2 lines!!!! oMG!!!!!!! totoo ba ito?>

so this is it! wag kayo mawawalan ng pag-asa! week 4 na ko today! update ko blog ko regarding mt pregnancy! goodluck mommies!!!!

Thursday, December 20, 2012

CHANGE OF CIVIL STATUS SSS

requirements:
*2 ID (passport pwede na kahit yun lang)
*marriage contract (important, xerox and original from NSO) ipapasa mo yung xerox yung nso orig titignan nila
*xerox ng live birth from NSO ng mga bagong beneficiaries mo like your husband and son
(may naririnig ako ngkakaproblema sa mga birth certificate na late registration) better ask them na lang if ever para di masayang oras nyo)

*E4 
yung number 3 lang po ang fill up nyo if babae isusulat nyo po yung maiden name and then yung name nyo nun may asawana kayo.








after ng long wait .... kung kumpleto kayo sa requirements... isosoli sa inyo yung pink na papel ng e4. after 1 month babalikan nyo! so ako babalikan ko yung akin sa jan 19,2013. E6 naman after. unified ID na papagawa ko, ill make sure na yun pinakamaganda kong muka!hahhahahahaha thanks thats all!
and free po ito, wala pong bayad!

Tuesday, December 4, 2012

Belo Essentials Deodorant

So hindi po ko endorser ng BELO im just sharing my experience with this product, i decided na ipost po ito kasi naging malaki din ang problema ko regarding sa pagpili ng deodorant. at my age im 30 na hanggang ngayon wala pa din ako ng tinatawag nilang HIYANG na deodorant, meaning nasubukan ko na po lahat, pati panglalaki! hahahaha as in lahat! balik sa tawas, susubok ulit ng bagong makikita sa TV , then tawas ulit. so ganun ako ka desperate.... there was a time na muntik na ko bumili ng ZINC na vitamins. kasi pg ganun daw ang case need na daw to cure yung inside sa body! So thanks god, nakita ko maputing kili-kili ni toni Gonzaga sa YAhoo page that time, hehehehehe, may nakita na naman akong bago, so bumili ako ung maliit muna mga P50 pesos lng yun, aba mabasa sa kili-kili, pero ang tapang naman magtanggal ng body odor, perfect! okay na yun!
tumagal un ng 1 month, sabi 4x lang ipahid, ako todo max, im on my second Belo deodorant, yap. Yun malaki na binili ko wala pa syang P100, mag 2mos ko na ito ginagamit. di po ko bumalik sa tawas meaning nagustuhan ko talaga sya, heavy sweater ako! as in! wala kayo idea.. grave pa sa asawa ko, medyo nakakahiya devah? by the way.. sa una lang naman ito mapawis , ang technique ko , bago ko pahid tuyong tuyo muna un aking kili-kili. as in super tuyo. nakataas na sa electric fan.. then un Belo papahid ko and ok na yun! magpapawis to sa una, pero mawawala. ang gusto ko pa sa deodorant na ito, yung scent nya .. hindi matapang, parang wala kang ipinahid. so kung my perfume ka o downey sa damit, di ma over power ng deodorant. unlike nung iba! devah? natutuwa lang ako kasi first time ko mg blog about a product un para pa sa kili-kili! hehehehe sobra kasi ako natuwa, wag na wag sana ito mawala, magwewelga ako!!! bonus! hindi nakakaitim ng kili-kili!!! promise!!!! ako yung taong naiinggit pag nakakakita ng makinis at mala porselanang kili-kili! di naman nya napaputi ang kili-kili ko. pero di na sya umiitim.. hehehehhehe kung my kaparehas kayong prob gaya ng akin, worth it naman i-try, merun naman silang P50 lng yung maliit. go na!